-- Advertisements --

“More than confident” ang Davao PNP na nasa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound ang puganteng si Apollo Quiboloy. 

Isiniwalat ni regional police Brig General Nicolas Torre III ang pagkakatuklas ng isang “underground area” kung saan maaaring nagtatago si Quiboloy. 

Sa isang press conference nitong Linggo, tinanong si Torre tungkol sa kinaroroonan ni Quiboloy at kung ang raid ay nagudok kay Quiboloy na umalis sa compound.

Ngunit sinabi ni Torre na “more than confident na sila ngayon,” na nasa loob ng compound ang puganteng si Quiboloy. 

Dagdag pa nito, hinahanap pa rin nila ang pasukan ng isang “underground area” matapos itong tanungin sa mga reports na ang mga pulis ay “naghuhukay” sa loob ng compound. 

Paliwanag ni Torre, hindi nila binubungkal kundi hinahanap lamang nila ang entrance nito.