-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Davao City Police Office na papanatilihin ang seguridad sa siyudad kasunod ng planong martsa ng mga miyembro ng Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International patungo sa bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay city police office spokesperson Capt. Ma. Theresita Gaspan, malinaw na wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil sa KAPA members na nakapasok ng lungsod.

Pero sa ngayon ay patuloy daw ang pakikipag-ugnayan ng iba pang law enforcement unit para masigurong handa ang siyudad sakaling matuloy ang plano ng grupo.

Sinabi naman ni Police Maj. Jason Baria, tagapagsalita ng Region 11 Police na may natanggap silang impormasyon hinggil sa pag-atras ng ilan sa planong martsa.