-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Police Capt. Maria Teresita Gaspan, Davao City Police Office (DCPO) spokesperson, na naka-heightened alert ngayon ang kapulisan sa lungsod matapos ang nangyaring pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan nasa 18 katao ang sugatan.

Ayon pa kay Gaspan, nagpalabas ng direktiba si Col. Alexander Tagum, DCPO director, sa lahat ng mga station commanders na doblehin ang security measures sa kanilang areas of jurisdiction at ang intelligence gathering laban sa mga posibleng banta sa lungsod lalo na at dito naninirahan si dating mayor at ngayon ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinayuhan din niya ang mga kapulisan na ipagpatuloy ang regular operations gaya ng Oplan Kalinaw sa iba’t ibang barangay para ma-monitor ang mga bagong residente at mahuli ang mga kriminal na nagtatago sa kanilang komunidad.