-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ni Talomo Police station chief Major Sean Logronio na gagawin nila ang lahat para lamang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-asawang sina Atty. Hilda Mahinay-Sapie at asawa nitong si dating Panamao, Sulu Mayor Muhaimen Mohammad Sapie.

DAVAO KILLED LAWYER

Base sa inilabas na CCTV footage, makikitang bigla na lamang natumba si Atty. Sapie dahilan kaya nagkagulo rin ang mga tao lalo na nang hindi nila nakita kung sino ang bumaril sa biktima.

Tinulungan pa ito ng kanyang asawa, ngunit bigla rin itong natumba at nagkaroon ng tama sa kanyang katawan.

Naniniwala ang otoridad na binaril ito ng sniper dahil malayo ang putok at hindi nila ito makita.

Kilala si Atty. Sapie sa legal involvement sa mga isyu ng lupa sa Davao region matapos itong magretiro sa Department of Agrarian Reform ilang taon na ang nakakaraan.

Samantalang ang asawa nitong si Muhaimen at una na rin na nahuli ng Traffic Enforcement Unit matapos makalabas sa batas trapiko.

Marami umanong pumupunta sa kanilang bahay sa Solariega Subdivision Talomo sa lungsod kung saan naroon din ang kanilang istasyon para sa mga humihingi ng legal advice lalo na ang may kaugnayan sa isyu ng mga lupain.

Una nito nakapagsagawa na ng ocular inspection ang mga personahe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lugar kung saan nangyari ang krimen.

Samantala sa panayam ng Bombo Radyo kay police chief Major Logronio, naisumite na nila sa PNP crime laboratory ang mga nakuhang ebidensiya at maghihintay na lamang siya ng resulta.

Dinala muna sa morgue ng SPMC ang bangkay ni Atty. Sapie para isailalim sa otopsiya habang agad na inilibing kahapon ang bangkay ni Muhaimen Mohammad dahil isa itong Muslim.