DAVAO CITY – Higit 1,000 mga personahe mula sa iba’t ibang security units ang dineploy sa isinagawang send off ceremony sa Davao City Police Office (DCPO) bilang paghahanda sa nakatakdang pagbisita ng presidente ng Singapore sa lungsod.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Col. Eden Ugali, PNP deputy regional director for operation at Col. Alexander Tagum, DCPO director.
Sinasabing bibisitahin ni Singaporean President Halimah Yacob ang Philippine eagle sa Malagos kung saan isa sa mga agila sa nasabing lugar ang una ng dinala sa kanilang bansa.
Bahagi rin umano ng kanyang pagbisita ang pagdiriwang ng ika-50th na anibersaryo sa pagpapatibay ng economic at diplomatic ties ng dalawang bansa.
Aasahan na darating sa siyudad si Yacob, alas-nuebe ng umaga sa araw ng Miyerkules.
Samantala sinabi naman ni Col. Eleseo Caburnay, officer-in-charge ng DCPO, mahalaga ang pagbisita ng Singaporean President ito ay para maipakita na ang Davao ang isa sa pinakaligtas na siyudad sa Asya.
Makakatulong din umano ito para sa potensiyal na pagpasok ng mga investors.