BUTUAN CITY – Malaki ang paniniwala ni political analyst Atty. James Reserva na hindi tatakbo sa Senado sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, at mga anak nitong sina Congressman Paolo ‘Polong’ Duterte at Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.
Ito’y bilang reaksyon sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na handa umano ang mga Duterte father and sons, pagtakbo sa nasabing posisyon sa 2025 mid-term elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Reserva na hindi mangyayaring bibitawan ng mga Duterte ang kanilang balwarte, ang Davao Region.
Kung may tatakbo umano sa Senado, ito ay ang kanhi pangulo at si Mayor Baste habang mananatili sa Davao City si Congressman Polong.
Dagdag pa ni Atty. Reserva, nananatiling klik pa rin ang mga Duterte lalo na’t makukumpara ng mga mamamayang Filipino ang maraming mga magandang nagawa ng dating administrasyon laban sa kasalukuyang Marcos Jr. administration.
Hindi umano maiiwasan na makukumpara ng mga tao ang nangyayari sa panahon ng Duterte administration laban sa kasalukuyang administrasyon lalo na ang pagbabalik ngayon sa malawakang operasyon ng ilegal na druga.
Andyan pa ang labis na pagmahal sa presyo ng bigas matapos na hindi natupad ang ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos sa panahon ng kampanya na ibalik sa tigbe-20 pisos ang bawat-kilo nito.
Ito umano ang dahilan na solido pa rin ang suporta ng mga tao sa mga Duterte na kung tatakbo sa Senado ang dating pangulo, malaki ang tsansa na mao ito ang mangunguna sa mga boto.