DAVAO CITY – Nasa 51,500 na mga indibidwal ang nabakunahan laban sa covid 19 sa ikalawang araw kahapon sa isinagawang Bayanihan Bakunahan sa lungsod.
Ayon kay COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser na mababa ang nasabing bilang mula sa target na 47,000 katao bawat araw ng National vaccination day na sinimulan niing Nobyembre 29, 2021.
Kahit nagpapasalamat ang nasabing opisyal sa positibong suporta ng mga tao, umaasa ito na madagdagan pa ang nasabing bilang lalo na ngayon na extended ang vaccination hanggang biyernes.
Pinaghahandaan na rin ngayon ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor ang nasabing aktibidad partikular na ang paglaan ng sapat na supply ng mga bakuna, logistics at mga namamahala sa vaccination para lamang makamit ang target.
Aminado naman si Schlosser na hindi maiiwasan na may ilan pa rin ang nagdadalawang isip na magpabakuna sa gitna ng isinagawang kampanya ng pamahalaan.