-- Advertisements --

Wala umanong hinanakit si Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab sa liderato ng Kamara matapos siyang alisin bilang deputy speaker.

Sa isang pahayag sinabi ni Ungab na kaniyang nirerespeto ang desisyon ng house leadership na siya ay palitan.

Binigyang-diin ng beteranong mambabatas na batid niya ang dynamics sa House of Representatives.

Siniguro din ni Ungab na sa pag-alis niya sa kaniyang pwesto kaniyang masasabi na nagampanan nito ang kaniyang mandato bilang deputy speaker.

Pinasalamatan naman ni Ungab ang mga indibidwal na sumuporta sa kaniya.

Ayon kay Ungab kahit tinanggal siya bilang deputy speaker mananatili ang kaniyang suporta sa mga programa at proyekto ng kasalukuyang administrasyon.