-- Advertisements --

Nagpasya si Dave Ildefonso na mag-apply ng draft sa 2024 PBA.

Sinabi nito na matagal niyang pinag-isipan ang pagsali at isinaalang-alang niya ang kaniyang ama at kapatid na nasa liga.

Dagdag pa nito na habang wala pang nag-aalok sa kaniya na maglaro sa Korean Basketball League ay nagpasya ito na magpalista sa PBA.

Ang Ateneo star player ay kasalukuyang nagsasagawa ng ensayo kasama ang Strong Group Athtelic para sa Jones Cup.

Naglalaro sa Rain or Shine ang kapatid nito na si Shaun habang ang ama nito na si Danny na dating PBA player at assistant coach ngayon ng Converge.