-- Advertisements --

Muling magsasagawa ng concert sa bansa ang singer na si David Archuleta.

Sa social media account nito ay nagpost siya ng larawan at inanunsiyo ang concert sa bansa.

Isasagawa ang concert sa New Frontier Theater sa darating na Setyembre 14.

Siya ang runner-up ng “American Idol Season 7 kung saan nagwagi dito si David Cook at nakilala siya sa mga kantang “Crush” at “A Little Too Not Over You”

Unang bumisita sa bansa si David ay noong 2012 para sa isang pelikula at sinundan noong 2018 para sa isang fundraising concert.