Mukhang hindi apektado ang aktor na si David Licauco sa mga kaganapan ngayon sa showbiz.
Sa kanyang pinakabagong Instagram post, makikita sa larawan na na nakasuot ng simpleng black shirt at short ang aktor, na may caption na ‘Chill lang,’ na nagpapakita ng kanyang hindi pag-aalala.
Pati na rin ang kanyang co-star na si Derrick Monasterio, nagkomento ng pabirong ‘Alam ko na to haha,’ na nagbigay ng magaan na tono sa sitwasyon.
Ang timing ng post na ito ay kasabay ng ilang mga kaganapan sa kanyang career at personal na buhay.
Maaalalang ang love team partner niyang si Barbie Forteza, kamakailan lang ay nagpasabog ng balita sa mundo ng showbiz nitong pagpasok ng taong 2025 tungkol sa kanilang breakup ni Jak Roberto, kaya’t mas marami ang tumaas ang kilay kay David, lalo na’t naging matagumpay ang kanilang tambalan sa mga proyekto tulad ng Maria Clara at Ibarra, Maging Sino Ka Man, Pulang Araw, at ang pelikulang That Kind of Love.
Nag-open up na rin si David tungkol sa pagiging single niya, at sinabi sa isang livestream ng kanyang coffee business na baka ‘maghahanap ng bagong girlfriend.’ Sa kabila ng mga usap-usapan, ipinapakita ng kanyang kaswal na postura at witty na mga komento na nananatili siyang grounded at hindi pinapansin ang mga tsismis.
Mukhang hindi siya nagmamadaling magpa-apekto sa drama ng showbiz.