-- Advertisements --
image 87

Magpapaopera ang aktor na si David Licauco, leading man ni Barbie Forteza sa “Maria Clara at Ibarra” dahil sa kaniyang iniindang karamdaman na sleep apnea.

Ang sleep apnea ay isang kondisyon kung saan humihinto ang iyong paghinga at nagre-restart nang maraming beses habang natutulog ka.

“It’s scary talaga ‘yung, sleep apnea. It’s been my insecurity since it started when I was 16 years old so it’s been 11 years,” ayon sa aktor.

“‘Yung sleep apnea, basically, my breathing stops. It’s about 30 seconds straight about 24 times in an hour when I’m sleeping obviously,”

ilan sa sintomas ng sleep apnea ay fatigue dahil hindi nga maayos ang tulog, kaya naman nagreresulta ito ng pagiging iritable sa umaga.

Dagdag pa ng aktor, humihingi siya ng pasensya sa lahat ng mga nasungitan niya nang dahil sa kanyang health condition.

“So, the next day, bad mood ka. Nasaan ako? Nasa showbiz industry ako and easy to judge, ‘di ba? So sa lahat ng nasungitan ko, alam n’yo na siguro kung bakit,”

“I’ll probably get an operation soon ’cause hirap na hirap na ako,” aniya pa.