Nagsama-sama ng puwersa sina Anthony Davis, Dwight Howard at LeBron James upang dominahin ang laro kontra sa Charlotte Hornets para itala ang kanilang ikalawang panalo, 120-101.
Hindi magkamayaw ang mga Lakers fans sa pagsasaya nang magpakitang gilas ang bagong LA players na sina Davis na may 20 points, 12 assists at six rebounds at si Howard na nagdagdag ng 16 points, 10 boards at four blocked shots.
Si James tumirada rin ng 20 points, 12 assists and six rebounds para sa Lakers.
Mula sa 18-2 rally sa huling bahagi ng third quarter ay hindi na lumingon pa ang Lakers.
Marami namang pinabilib na mga fans si Davis sa ipinakitang athleticism nito na sa first half pa lamang ay meron na siyang 25 points.
Liban dito nagpasok din si Davis ng tatlong 3-pointers at anim na rebounds sa mala-halimaw na inilaro sa first half.
Habang si James naman ang nagmaniobra sa opensa ng team.
Naging impresibo rin si Howard sa kanyang all-around performance.
Para sa Hornets ito ang kanilang unang laro sa road trip kung saan nag-ambag sa bigong kampanya sina Miles Bridges na may 23 points, at sina Cody Zeller at Terry Rozier ay kapwa nagtapos sa 19 points.
Sunod na makakaharap ng Lakers ang Memphis Grizzlies sa Miyerkules.