-- Advertisements --
ANTHONY DAVIS LAKERS
Anthony Davis

Inamin ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis na kinabahan din siya bago magsimula ang laro sa Game 1 ng NBA Finals.

Ito ang kasi ang unang pagtuntong ng 27-anyos na forward sa finals.

Ginawa ni Davis ang pahayag matapos na bumida siya sa unang panalo ng Lakers kontra sa Miami Heat, 116-98.

Kuwento pa ni Davis, ngayon lamang niya naranasan ito kaya sobra ang kanyang excitement.

Gayunman kapag nagsimula na ang laro, nawawala na ng tuluyan ang kaba.

“First time I’m experiencing this,” ani Davis.” It went away early but it was a great experience for me great Game 1. Job is not done we have three more.”

Samantala pinuri naman ni LeBron James si Davis sa ipinakitang big game.

Sinabi ni James, inaasahan na niya ito dahil matagal na silang nakapaghanda.

Bumilib din si James sa ipinakitang all around game ng kanyang partner.

Sa Finals debut ni Davis kumamada ito ng 34 points (11-21 FG) (2-4 3P) nine rebounds, five assists at three blocks.

Wala ring paltos si Davis sa free throw line na may 10-of-10.

“Once again a force in every facet of the game, offensively and defensively,” ani James.