Muling nagsama ng puwersa sina Anthony Davis at LeBron James upang dalhin ang Los Angeles Lakers sa ikalima nilang panalo laban sa San Antonio Spurs, 103-96.
Nagpakitang gilas si Davis sa kanyang 25 points at 11 rebounds, habang muli na namang umeksena si LeBron ng kanyang ikalawang magkasunod na triple-double performance.
Ang all-around game ni LeBron ay nagbigay sa kanya ng 21 points, 13 assists at 11 rebounds.
Nitong lamang nakalipas na Sabado, triple-double performance rin ang nakita kay James sa overtime victory kontra sa Dallas.
Sinasabing ang nagawa ni James na back-to-back triple double ay kauna-unahan sa isang Laker mula pa noong taong 2006 sa panahon ni Lamar Odom.
Tinawag naman ng ilang sports analyst na throw-back performance ang pagtulong
Dwight Howard sa Lakers na nagtapos sa 14 points, 13 rebounds.
Sa panig ng Spurs ito na ang kanilang sunod na pagkatalo (4-2).
Nasayang din ang diskarte nina Dejounte Murray na nagbuslo ng 18 at 11 rebounds para sa Spurs, at si Rudy Gay na nagdagdag ng 16 mula sa bench, habang si DeMar DeRozan ay naka-14 points.