-- Advertisements --
Tinanggihan ni Los Angeles Lakers star Anthony Davis ang $146 million maximum extension offers ng koponan.
Ayon sa kampo ni Davis na nais nitiong maging unrestricted free agency pagdating ng Hulyo.
Hawak kasi ni Davis ang $28.7 million player option sa 2020-21 season.
Itinuturing kasi na isa si Davis sa naging susi sa pagkakaroon ng Lakers ng magandang simula ng 2019-2020 season kung saan mayroon itong average na 27 points, 9 rebounds, 3 assists at 2 blocks.