-- Advertisements --

Tuluyan ng namaalam sa kaniyang fans sa Los Angeles Lakers matapos lumipat sa Dallas Mavericks si Anthony Davis.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng video kung saan may sinabi niya na ang negosyo sa basketball ay tulad din ng ilang mga negosyo.

Noong nagdaang anim na taon ay lumipat siya sa Lakers para manalo ng kampeonato kung saan hindi niya makalimutan ang nasabing mga panahon na iyon.

Itinuturing pa ng 31-anyos na NBA star na isang tahanan na ang Lakers kung saan marami na itong naging kaibigan doon.

May malaking bahagi sa kaniyang puso ang nasabing Lakers kung saan bawat kuwento aniya ay may kaniya-kaniyang kabanata na dapat abangan.

Magugunitang ginulat ng Lakers at Mavs ang mundo ng basketball sa pagpalitan ni Davis at Luka Doncic.