-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Mayroon na agad bagong tumatayong leader ang grupong Dawla Islamiya sa Lanao del Sur.
Ito ang kinumpirma ng militar matapos lumabas ang resulta ng DNA (deoxyribonucleic acid) test ni Owaydah Marohombsar alyas Abu Dar na napatay sa engkuwentro noong nakaraang buwan.
Si Abu Dar ang siyang naging lider sa sumiklab na Marawi siege noong 2017.
Sinabi ni 103rd Infantry “Haribon†Brigade Philippine Army commander Col. Romeo Brawner Jr., na ang nagngangalang Jakari ang nagsisilbing pinuno ng nasa 20 hanggang 25 na natitira pang miyembro ng naturang grupo.
Ayon kay Brawner, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtugis sa mga terorista at umaasa na tuluyan nang mauubos ang mga ito.