CENTRAL MINDANAO-Maglulunsad umano ng kalat-kalat na pagsalakay ang mga terorista sa Maguindanao sa pagkasawi ng kanilang mataas na lider sa operasyon ng Joint Task Force Central.
Namataan ng ilang mga residente sa Maguindanao na tela naghahanda ang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya (DI) Terror Group sa posibling surpresang pananalakay para ipaghiganti ang pagkasawi ni Salahuddin Hassan alyas Kumander Orak at asawa nya na si Jehana Minbida,finance officer DI at BIFF.
Natatandaan na nagsagawa ng law enforcement operation ang tropa ng Ist Mechanized Brigade matapos makatanggap sila ng impormasyon sa kuta ni Hassan sa Sitio Pinaring Barangay Damablak Talayan Maguindanao katuwang ang pulisya.
Papasok palang ang mga sundalo sa bahay ni Hassan ay agad na silang pinaputukan ng mga terorista.
Napilitan na gumanti ng putok ang Joint Task Force Central kaya nasawi si Kumander Orak at ang kanyang asawa.
Narekober ng militar sa bahay ni Hassan ang isang ang 5.56mm R4 Rifle, bandoliers, mga bala, iba’t-ibang war materials at mga subersibong dokumento.
Sinabi ni Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Pedro Balisi na si Hassan ay sangkot sa mga pag-aatake sa Mindanao nitong 2007-2015. Dati rin siyang estudyante ni Kumander Basit Usman at Malaysian Terrorist na si Zulkifli “Marwan” Binhir. Si Hassan rin ang pumalit sa puwesto ni Hatib Hajan Sawadjaan bilang pinakamataas na Amir sa Dawlah Islamiyah sa Pilipinas. Itinuturo ring sangkot si Hassan sa insedente ng pagpapasabog sa Mindanao kabilang ang Yellow Bus bombing sa bayan ng Tulunan at M’lang Cotabato.
Kinomperma naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na mas paiigtingin pa nila ang pagtugis sa BIFF at DI.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang pagbabantay sa Maguindanao sa posibling malawakang pananalakay ng mga terorista.