-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Target ng Philippine Army na tuluyang mapulbos ng tuluyan ang natitira na armadong kasapi ng Dawlah Islamiyah – Maute Group nasa likod ng mga pag-atakeng terorismo bago gaganapin ang 2025 midterm elections sa Lanao del Sur.

Ito umano ang standing order ni Philippine Army commanding general Lt Gen Roy Galido sa 103rd Infantry Brigade na nakabase sa Marawi City upang hindi na makapaghasik kaguluhan ang teroristang grupo sa proseso ng halalan sa Mayo 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na kaunting panahon na lang umano ang igugugol ng gobyerno upang tuluyang mawaksan ang natitirang taga-sunod ng Maute-ISIS terror group na dating pinulbos rin ng government forces noong sumiklab ang Marawi urban warfare taong 2017.

Magugunitang pinakahuling natugis ng 103rd IB ang DI-MG na pinamunuan ng isang alyas Usman ay sa bayan ng Piagapo kung saan nalagasan ang magkabilang panig noong huling linggo ng Enero 2025.