-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah Daish group matapos namaril umano sa mga otoridad kaninang umaga.

Ayon kay kay Lt. Col. Orcajada hepe ng pulisya ng baya ng Polomolok na nagkaroon ng search warrant laban kay Abdullah Lido, 47, na residente ng Purok 1, Barangay Koronadal Proper sa nasabing bayan.

Bitbit ng mga otoridad ang search warrant na pinirmahan ni RTC 63 Judge Adelbert Santillan para hanapin ang illegal drugs subalit nakatunog daw ang suspek kaya’t kumuha ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Dagdag ni Orcajada, kaagad kumubli ang tropa at pinaputukan ang suspek na kinasugat nito.

Dinala umano ang suspek sa Pagalungan Municipal hospital subalit dineklara itong dead on arrival.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang unit na .357 revolver, flag ng ISIS, 12 sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Kaagad naturn over ang bangkay sa kanyang pamilya para madala sa kanilang lugar.