-- Advertisements --

marawidawla

Sumuko ang isang 19-anyos na miyembro ng Dawlah Islamiyah sa Marawi City, Lanao del Sur, kahapon.


Kinilala ni Lieutenant Colonel Romulus Rabara, commander ng 5th Infantry Battalion ang sumukong DI member na si Faharuden Hadji Sapilin alyas Abu Abbas.

Isinuko nito ang homemade AR-15 rifle, caliber 9 mm, magazine at ammunition.

Si Sapilin ay sangkot sa engkwentro sa tropa ng gobyerno sa Pagayawan, Marogong at Tubaran pero nag-lie low nang magpatay ang notoryus na lider na si Abu Dar.

Siniguro naman ng militar na hindi nila hahayaan na sirain ng teroristang grupo ang kinabukasan ng mga kabataan sa Lanao del Sur na target ng kanilang recruitment.

Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng militar ang sumukong bandido para sumailalim sa custodial debriefing.