KALIBO, Aklan – Maaga pa lamang ay nakahanda na ang Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) na umalalay sa lokal na pamahalaan ng Malay na mag-accommodate ng mga domestic tourist sa soft re-opening ng Boracay na magaganap ngayong araw.
Ayon kay BIARMG General Manager Natividad Bernardino, “in place according to plan” ang muling pagbubukas ng tanyag na isla sa mga lokal na turista kahit pawang taga-Western Visayas muna ang pinapayagang makatawid sa Boracay.
Kaugnay nito, asahan na aniya ang ilang pagbabago katulad na lamang na kailangan magparehistro muna ang mga maliligo sa dagat, mandatory na pagsuot ng face mask at ang pag-obserba sa physical distancing kahit magkamag-anak lamang kayo.
Una nang iginiit ng BIATF na istriktong ipapatupad ang “no booking, no entry policy” kung saan tatlong establisyimento pa lamang ang nabigyan ng Certificate of Authority to Operate mula sa kabuuang 390 Department of Tourism-accredited hotels and resorts na mayroon sa isla.