-- Advertisements --

Ibinida ni Matteo Gudicelli ang pagiging kabilang niya sa Zamboanga at Cotabato trip ng Philippine Army.

Ito’y sa pangalawang araw ng kanyang pagsailalim sa 45-day training para sa bagong misyon nito bilang bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“With ARESCOM MGen Langub and MGen Gotico, flying out this morning to Zamboanga then proceeding to Cotabato for ‘Kalilintad sa Timpu sa Ramadan.’ Can’t wait to spend time with our kababayans! It will be my first time in the area. Flying out now!” caption nito sa latest picture.

Ayon kay Matteo, hindi siya naghahangad ng VIP (very important person) treatment at katunayan ay handa siyang ma-bully.

“I’m ready to be bullied! I hope it all goes well … I will be living with cadets; these are tough people,” sambit nito.

Nabatid na na-promote ang 29-year-old Fil-Italian actor bilang 2nd Lieutenant ng military reserve command.

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan nang nagpaalam si Matteo na isang buwan siyang mawawala para sa nasabing training program sa Camp Tecson sa Bulacan bilang scout ranger ng AFP.

“I’ll be in the military for one month. I’m entering on May 27 then I’ll be out July 1. It’s not normal military, it’s a scout ranger school,” ani Gudicelli.

Una nang inihayag ng boyfriend ng celebrity ding si Sarah Geronimo na wala sa kanyang plano ang maging bahagi ng AFP na noon ay isang pangarap lang.

Gayunman, lubos aniya ang kanyang paghanga sa mga Pilipinong sundalo na nakikipagsapalaran ng kanilang buhay para sa bayan at hangad na maraming pang kabataan ang magkaroon ng interes na pasukin din ang militar sa Pilipinas.

Kung maaalala, ibinunyag din ni Matteo na dagdag sa kanyang inspirasyon ay ang ibinigay na goodluck wish mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya ay bumisita sa Palasyo noong nakaraang buwan.

Sinasabing 30 minutong nag-usap ang dalawa kung saan tinalakay ni Matteo ang kanyang mga planong proyekto para sa mga sundalo.

Matteo with Duterte
Matteo’s April 17 post

“That was what the meeting was about. He’s into that … he wants discipline in the country again—among the youth, especially. When I told him (Duterte) about my project, he was very interested and he wished me luck … It was nice to have his approval; it’s added inspiration,” ani Gudicelli.