-- Advertisements --
Hindi maiwasan ni Pope Francis ang mabahala sa lumalalang tensiyon sa Urkaine.
Dahil dito ay nanawagan ito ng day of prayer sa susunod na linggo ang Santo Papa para sa ikakatahimik ng lugar.
Sa kaniyang Sunday Angelus prayer sa St. Peter’s Square, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang tumataas na tensiyon sa Ukraine.
Isasagawa aniya ang day of peace sa Enero 26.
Magugunitang pumalo na sa mahigit 100,000 mga sundalo ng Russia ang nakatalaga sa border nila ng Ukraine na ikinagalit ng US at ilang kaalyadong bansa nito.