Hindi na rin lubos na nagagawang magsaya ng libu libong mga OFW sa Hong Kong dahil sa umiiral pa rin na tensiyon dala ng mga kilos protesta.
Sa ulat ni Bombo international news correspondent Merely Bunda, mistulang bitin lagi ang kanilang mga day off dahil tuwing weekend din isinagawa ang pagkilos ng mga pro-democracy protesters.
Inihalimbawa nito ang nangyari nitong nakalipas na Linggo na kinailangan nilang magsiuwian na ng maaga mula sa pamamasyal dahil sa takot na madamay pa o walang masakyan pauwi sa kanilang mga pinagtatrabahuan.
Kung maaalala ang huling protesta ay nauwi sa kaguluhan matapos gumamit na rin ng water cannon ang mga riot police liban pa sa pagpapakawala ng teargas upang buwagin ang hanay ng mga raliyesta.
Wala namang mga Pinoy na nadamay sa naturang panibagong karahasan na nasa ika-12 na ngayong.