Nakahanda na ang mga sundalo mula sa na Joint Task Force-National Capital Region na siyang magsisilbing augmentation force ng Philippine National Police (PNP) para sa mga kilos protestang isasagawa bukas bilang bahagi ng “National Day of Protest.”
Ayon Kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief Marine Col. Edgard arevalo, bagama’t wala silang namomonitor na magkakaroon ng kaguluhan bukas, standy by pa rin ang kanilang puwersa para sa anumang kaganapan.
Panawagan naman sa mga lalahok sa kilos protesta na manatiling mahinahon at pairalin ang kapayapaan sa pagpapahayag nila ng kanilang saloobin.
Umaasa rin ang AFP na hindi na kakailanganin ang mga sundalo sa crowd control na pangunahing responsibilidad ng PNP.
Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office director Oscar Albayalde na bukod sa mga pulis ng Civil Disturbance Management Unit na idedeploy sa Luneta, US Embassy, at Mendiola, may naka-standby na augmentation force mula sa AFP kung sakaling kailanganin ito para sa crowd control.
Hindi naman masabi ni Arevalo kung ilang sundalo ang kanilang inilaan na siyang tutulong sa PNP sa pagresponde kapag may kaguluhan.