-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Mrs. Corazon Calina, Municipal Administrator sa Bangui, Ilocos Norte na lumubog ng halos isang metro ang Day Care Center sa Brgy. Malasin sa nasabing bayan.

Ayon kay Calina, hindi pa nila masabi kung paano at bakit lumubog ang day care center sa nasabing barangay.

Sinabi pa ni Calina na nasira rin ang bakud ng nasabing day care center dahil sa kasagsagaan noon ng bagyong Falcon at lumala pa dahil sa habagat.

Napag-alaman na may 28 taon na simula nung ipinatayo ang nasabing day care center.

Dagdag niya na iniutos na bakantehan muna ang center at ilipat muna ang mga bata sa Brgy Hall.

Pinayuhan rin nila ang mga residente at mga dumadaan sa lugar na huwang munang lumapit sa lumubog na day care center.