CENTRAL MINDANAO- Nakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang mga daycare workers (DCWs) sa mga bayan ng Pikit at Kabacan Cotabato.
Ayon sa Provincial Treasury Office, nasa 121 DCWs kung saan 60 sa mga ito ay mula sa Kabacan habang ang 61 ay mula sa Pikit ang nakatanggap ng P3,000 bawat isa o abot sa P363,000 sa kabuoan.
Ang pamamahagi ng cash assistance ay bilang pasasalamat ng provincial government sa mga DCWs na isa sa mga nagsasakripisyo at patuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa gitna ng nagpapatuloy na pandemiya dulot ng COVID-19.
Laking pasasalamat naman ng mga DCWs sa dalawang bayan sa provincial government dahil malaking tulong ito para sa kanilang pamilya lalo na ngayong panahon na nasa gitna pa rin umano ng krisis ang bansa.