-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang drug personality ang mahigit P2-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Concepcion Pequeña, Naga City.

Kinilala ang suspek na residente ng Paru Paru St., Kenneth Talipapa, Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt.Col Chester Pomar, tagapagsalita ng Naga City Police Office, napag-alaman na nakabili ang posuer buyer sa suspek ng isang knot tie transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang iligal na droga gamit ang P500 bilang buy bust money.

Maliban pa dito, nakumpiska pa sa suspek ang tatlo pang piraso ng knot tie trasparent plastic sachet ng ipinagbabawal na gamot.

Sa pangkabuoan, tinatayang mayroong bigat na humigit kumulang 300 grams at nagkakahalaga ng nasa P2,040,000 ang mga nakumpiskang iligal na droga.

Samantala, ayon pa sa opisyal, matagal nang binabantayan ng mga kapulisan ang suspek at dati na rin umanong tumira ito sa lungsod at mayroon na itong mga kakilala sa Naga na posibleng pinagdadalhan nito ng mga ibenibenta nitong iligal na droga.

Binigyan diin rin ng opisyal na ang komunidad ang pinakamalaking contributor sa tagumpay ng kanilang mga operasyon dahil ang mga ito aniya ang unang nakakamonitor sa mga kaganapan sa kanilang mga lugar at maiikonsidera na secondary lamang ang kanilang panig.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong pagbalga sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.