-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ilang araw na pagluluksa dahil sa pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na magsisimula ang nasabing days of mourning mula Abril 23 hanggang 26 o ang araw ng libing ng Santo Papa.

Sa nasabing araw ay ilalagay sa half-mast ang watawat ng bansa sa lahat ng gusali ng gobyerno at government installation sa bansa at sa ibang bansa.

Una ng kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na dadalo ang pangulo kasama si First Lady Liza Marcos sa libing ng Santo Papa.