-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan—Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga dayuhang turista na namataan na hinuhugasan sa baybayin ng isla ng Boracay ang anak nito na dumumi gayundin ang paglibing ng umano’y diaper sa buhangin.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, isang lokal tourist ang nagsumbong sa task force na nakatalaga sa front beach hinggil sa umano’y pagkakalat ng mga dayuhan.

Kaugnay nito, kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Malay Police Station kung saan, patuloy pa umano ang pagkalap ng impormasyon upang makilala ang nasabing turista na pinaniniwalang pawang mga Chinese national.

Nabatid na saklaw sa Municipal Ordinance Number 311 o “Anti-Littering Law” ng bayan ng Malay, Aklan ang pagdudumi, pag-iihi, at pagdudura sa mga pampublikong lugar.