Pinalawig pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado.
Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhang ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at contract of service para maipatuloy ang mga transaksyong nabinbin sa gobyerno.
Dahil umano sa COVID-19 pandemic ay maraming mga transaksyon at trabaho sa gobyerno ang naantala matapos na tumigil ng ilang araw ang trabaho dulot ng pandemic.
Nakatakda sanang magtapos ang pagkuha at serbisyo ng mga kasalukuyang job orders at contractual hanggang sa katapusan ng Disyembre 2020.
Sa bagong DBM-COA joint circular ay mayroon ng pagkakataon ang mga government agencies, government owned-or controlled corporations (GOCC), constitutional bodies at state universities and colleges (SUC) na kumuha ng mga contractual at job orders o palawigan pa ang kontrata ng mga ito hanggang Disyembre 31, 2022.