-- Advertisements --
Naglaan ang Department of Budget Management (DBM) ng nasa P454 milyon sa Department of Health (DOH) para sa pagbili ng 173 na mga medical vehicles.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman , na ang kanilang inaprubahan ang Authority ot Purchase Motor Vehicle (APMFV) para sa DOH.
Ang mga sasakayan ay kinabibilangan ng 161 na units ng mga ambulansiya, dalawang mobile primary care facility o mobile clinic, apat na unit ng sea ambulance, apat na passenger van, isang van para sa paglilipat ng mga pasyente at isang van para sa mobile blood donation.
Paglilinaw naman ng kalihim na ang nasabing halaga ay ibabawas sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.