Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P1billion na pondo para sa mga proyektong makakatulong para mapagbuti ang kalidad ng tubig.
Ayon sa DBM, ang naturang pondo ay para suportahan ang construction, expansion, at upgrading ng mga proyektong may kinalaman sa tubig at kalinisan sa mga komyunidad sa pamamagitan ng local participatory budgeting process.
Gagamitin ito para pondohan ang maayos na water supply, sanitation services, at iba pang kahalintulad na programa.
Makikinabang dito ang kabuuang 75 local government units (LGU) sa buong Pilipinas na kabilang sa 4th hangang 6th class municipality, at mga munisipalidad na mayroong water utility na pinamamahalaan ng LGU.
Ang naturang pondo ay sa ilalim ng Local Government Support Fund–Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (LGSF-SAFPB) na nakapaloob sa 2024 budget.
Ayon sa DBM, ang naturang pondo ay inaasang susuporta sa paglago ng mga lokal na komyunidad sa buong bansa.