-- Advertisements --
Inilabas na ng Department of Budget and Management ang kabuuang P3.681 billion para pondohan ang libreng Wi-Fi program sa buong Pilipinas.
Ibinigay ang pondo sa Department of Information and Communications Technology para masustine ang pagpapatupad ng Free Public Internet Access Program (FPIAP).
Inaasahang mabebenispisyuhan sa naturang pondo ang kabuuang 13,462 access point sites sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Bahagi nga ng naturang programa ang pagtatayo at pagpapanatili ng ICT infrastructure gaya ng towers, data centers at internet connections.
Target din nito na mapanatili ang internet connectivity sa mga pampublikong lugar gaya ng eskwelahan, libraries, parks at transportation hubs.