-- Advertisements --
Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa pagbili ng palay ng National Food Authority na nagkakahalaga ng P9-bilyon.
Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na dahil dito ay magkakaroon ang NFA ng pondo para sa pagsuporta sa mga magsasaka ngayong panahon ng pag-aani.
Dagdag pa nito na makakaktulong din ang pondo para lalong mapalakas ang ani ng mga magsasaka.
Ayon naman kay NFA administrator Larry Lacson na makakabili na sila ng nasa 7.2 milyon na sako ng palay sa halagang P25 kada kilo.