-- Advertisements --
Pinalawig ng gobyerno ang kanilang infrastructure spending noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) na umabot sa P1.5 trillion ito kung saan epektibo nilang nalampasan ang mga inilaan na programa.
Base sa record ng DBM, na pumalo ng halos 10 percent ang infrastructure spending na umabot sa P1.545 trilyon noong nakaraang taon mula sa P1.42 trillion noong 2023.
Bukod sa capital outlays ang total infrastructure disbursement noong nakaraang taon ay kinabibilangan ng subsidy at equity sa state-run corporations at paglilipat sa local government units na may kinalaman sa infrastructure.