-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagkakaroon ng arawang utang ng bansa ng aabot sa P4-bilyon.

May kaugnayan ito sa naging pahayag ni House Deputy Speaker Ralph Recto na mayroong estimated na P4 bilyon na arawang utang ang kailangan ng gobyerno sa 2024 para mapunan ang P57.767 trillion National Expenditure Program (NEP).

Sinabi ng kalihim na walang problema aniya ang pagkakaroon ng nasabing utang basta ito ay nagagamit ng tama.

Mahigpit aniya nilang sinusunod ang mga levels.

Giit pa ng kalihim na natanong niya sa Treasurers office at nananatiling consistent pa rin ang kanilang plano.

Base sa datus ng Bureau of Treasury na ang utang ng bansa ay umabot na sa P14.15 trilion noong katapusan ng Hunyo.

Naniniwala rin ang mga economic managers na nananatiling manageable pa ang level ng utang ng bansa dahil sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.