Kinalampag ng Department of Budget and Management ang Department of Health na tugunan ang mga isyu sa paglalabas ng health emergency allowance claims ng mga healthcare worker.
Ginawa ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang naturang panawagan matapos na mailabas na sa DOH ang P91.283 billion mula pa noong pandemiya para sa disbursement ng mga benepisyo at allowance ng health workers.
Sinabi din ng DBM na base sa report ng DOH tanging nasa P64 billion pa lamang ang na-disburse o naipamahagi mula sa P91.283 billion.
Mayroon din aniyang inilaan na P19.962 billion sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act para sa arrears at pending claims ng DOH.
Kaugnay nito, sinabi ni Sec. Pangandaman na maaaring ikonsidera ng DOH ang pagkakaroon ng memorandum of agreement sa DILG at pribadong mga organisasyon para agad na matugunan ang mga isyu sa paglalabas ng natitirang unpaid health emergency allowance claims.