-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpalabas na ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapalawak ng kapasidad ng Philippine Genome Center sa Visayas na nasa University of the Philippines (UP) Visayas-Miagao Campus.

DR. SALOMA BNN
Dr. Cynthia Palmes Saloma, executive director Philippine Genome Center, UP Diliman

Sa panayam ng Bombo Radyo Dr. Cynthia Palmes Saloma, executive director ng Philippine Genome Center sa UP Diliman, sinabi nito na na-cascade na sa UP System ang pondong gagamitin para sa dalawang satellite facilities ng PGC upang magsagawa ng whole genome sequencing na nagchi-check ng presensiya ng COVID-19 variants sa mga positive samples.

Ayon kay Saloma, umaasa siya na mapabilis na ito upang maging madali na lamang para sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na magpadala ng samples para sa sequencing.

Napag-alaman na ang mga samples ay pinapadala pa sa main laboratory ng PGC sa UP Diliman.

Nakatakda namang isailalim sa refresher course ang mga personnel na assigned sa mga satellite facilities upang mapaghandaan ang mga posibleng scenario.