Nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 94.2% ng 2024 national budget sa pagsisimula ng Agosto, 2024.
Ayon sa DBM, kabuuang P5.44 trillion na ang nailabas mula sa P5.77 trillion na 2024 budget.
Tanging P333.57 billion na lamang ang nalalabi sa kasalukuyang pondo.
Napunta sa mga departamento ang hanggang sa P3.42 trillion. Kinabibilangan ito ng mga nasa ilalim ng executive department, kongreso, at hudikatura.
Ang mga nailabas para sa special purpose funds (SPFs) ay nagkakahalaga ng P348.95 billion o katumbas ng 68.8% ng kabuuang naka-programang budget para sa 2024.
Ito ay kinabibilangan ng mga budgetary support sa mga government corporation, alokasyon sa mga LGU, contingent fund, etc.
Kabuuang P1.44 trillion naman ang napunta sa automatic appropriations o yaong mga taunang naka-programa alinsunod sa batas. Kinabibilangan ito ng mga national tax allotment, block grant, pension ng mga ex-president at asawa ng mga dating presidente, etc.
Ngayong taon ay mayroong kabuuang P5,767,600,000 budget ang Pilipinas na 9.5% na mas mataas kumpara noong 2023.