Nangako ang Department of Budget and Management (DBM) na magbibigay ng budgetary support para magtagumpay ang pagpapatupad ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Ginawa ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang naturang pangako kasabay ng pagbibigay diin sa mahalagang papel ng naturang plano sa pagkamit ng hangarin ng Pangulong Fedinand Marcos Jr. para sa economic transformation.
Ayon pa sa Budget Secretary, nakaangkla ang Philippine Development Plan sa “Ambisyon Natin 2040” , ang 2030 Agenda para sa sustainable development at 8-point Socioeconomic Agenda ng Pangulo.
Ang naturang plano ay alinsunod rin sa fulfillment ng commitments sa ilalim ng 2022-2028 Medium-Term Fsical Framework na naglalayong mapasigla ang ekonomiya.
Kung maaalala, inaprubahan ng Pangulo ang PDP 2023-2028 noong Enero 27 na magsisilbing economic recovery roadmap ng pamahalaan.