Tiniyak ng Department of Budget Management (DBM) sa Kongreso na hindi binabalewala ng Office of the President ang power of the purse ng Kamara ng maglabas ng contingeny fund sa Office of the Vice President nuong nakaraang taon.
Ipinaabot ito ng DBM sa pamamagitan ng isang sulat na natanggap ng chairman ng House of Representatives’ Committee on Appropriations noong Huwebes.
Ayon kay Appropriations committee chairman at AKO Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, nilinaw ng liham ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang P125 milyon na inilabas sa Office of the Vice President ay mula sa P7 bilyong budget na nakalaan bilang Contingent Fund para sa 2022, at ay nilayon upang suportahan ang Good Governance Engagements at Social Services Projects ng OVP.
Ang halagang P125 milyon ay ang mas malaking bahagi ng kabuuang P221.42 milyon na inilabas sa OVP at galing sa Contigent Fund sa ilalim ng General Appropriations Act noong nakaraang taon na inaprubahan ng Kongreso.
Bahagi lamang din aniya ito ng kabuuang P221.42 million na naibigay sa OVP mula sa Contingent Fund na nakapaloob sa 2022 General Appropriations Act.
Hindi rin umano ito augmentation o transfer of fund na una nang idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional.
“While it is understandable that, at the outset, the release of funds to the OVP may be perceived as a transfer, the same was not technically so, for such release was funded from Contigent Fund under the FY 2022 GAA and not from the budget of the OP,” pahayag ni Pangandaman sa sulat na natanggap ni Rep. Co.
Ipinunto rin ng kalihim sa House panel chair na hindi nililimatahan ang paggamit ng contingent fund sa isang partikular na ahensya o tanggapan maliban na lamang sa pagbili ng motor vehicles.
Una nang nilinaw ng Office of the Executive Secretary na ang naturang pondo ay inilabas alinsunod sa Special Provision No. 1 sa ilalim ng 2022 Contingent Fund, na nagbibigay kapangyarihan sa OP na aprubahan ang pagri-release ng pondo na magko-cover sa funding requirements ng bago o urgent activities na kailangang maipatupad.