Pinabulaanan ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang claim ni Vice President Sara Duterte na mishandled o maling paghawak ng pambansang pondo ngayon taon.
Paliwanag ng kalihim na ang mga pagbabago sa panukalang pondo ay nakadepende sa Kongreso at kanila aniyang nirerespeto ang dunong ng Kongreso hinggil sa usapin.
Una rito, sinabi ni VP Sara na ang mishanding ng pondo para ngayong taon aang isa sa mahabang listahan ng mga dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education.
Kung saan ilan dito ay personal na minarapat ng Bise Presidente na huwag idetalye at sa kanila na lamang ni PBBM.
Sinabi din ng ikalawang pangulo na sinikap niyang maitama ang maling paghawak ng pondo, subalit walang sumuporta sa kaniya at walang naging pagbabago sa pondo.
Subalit ayon kay Sec Pangandaman nakatanggap ang DepEd sa ilalim noon ni Duterte ng malaking pagtaas sa pondo ngayong 2024 kumpara noong 2023.
Sa katunayan aniya, mula sa P 711 billion sa National Expenditure Program, naging P715 billion ito sa General Appropriations Act.
Paliwanag pa ng kalihim na tinaasan ang appropriation para sa DepEd ngayong 2-24 para suportahan ang MATATAG agenda ng ahensiya.