Umaapela si DBM Secretary Amenah Pangandaman sa mga kapwa government officials na palawakin pa ang kampanya laban sa Climate Change.
Ginawa ng kalihim ang apela, kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Earth Day.
Ayon sa kalihim, kasabay ng paghahangad nilang matugunan ang panawagan ni Pang Ferdinand Marcos Jr na progreso sa buong bansa, ay ang pagpapalawak din ng bawat government agency sa pagpaplano at paglalaan ng programa para mapangalagaan ang kalikasan.
Kailangan aniyang makatukoy ang mga ito ng mga ‘environment-related programs and projects’ na maaring pondohan o paglaanan ng budget mula sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Sa kasalukuyan, bilang tugon sa hamon ng climate change sa bansa, iniulat ng kalihim na nakapaglaan ng P2.39 Billion ang bansa para sa implementasyon ng National Greening Program.
Sa nasabing programa, target ng pamahalaan na matamnan ang hanggang dalawang milyong ektarya ng lupain, hanggang 2028.
Ani Pangandaman, nararamdaman niya ang banta ng Climate Change sa bansa, kayat kailangang sa lalong madaling panahon ay kumilos na ang lahat ng govenrment officials, at maging ang publiko, para malabanan ito.