Binigyang pakilala at itinalaga ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pangunguna ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman bilang Auxillary Vice Admiral ng PCG.
Maliban sa opisyal ay kinilala rin ng PCG ang iba pang mga personalidad gaya nina Usec. Goddes Hope Libiran at Wilford Will Wong bilang Auxillary Rear Admiral ng ahensya.
Kabilang rin sa mga bagong itinakaga bilang bagong miyembro ng PCGA Executive Squadron sina Diana Camacho-Mercado at Ramon Vicente Asuncion bilang mga Auxiliary Commodores.
Sa iniwan na mensahe ni Admiral Gavan sa naging seremoniya ay nagpasalamat ang PCG sa DBM dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa kanilang mga programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang pondo na kinakailangan ng kanilang tanggapan para maipagpatuloy ang pagtataguyod ng national ecurity ng bansa.
Samantala, tiniyak naman ni Gavan na magpapatuloy ang PCG sa pagtupad ng kanilang mandato para sa kaligtasan at seguridad ng soberanya ng Pilipinas.