Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga national governnent agencies na magsagawa ng review sa kanilang mga pondo at tukuyin ang mga programa, proyekto na kanilang magiging prayoridad at handa ng ipatupad.
Ito ang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) kasunod ng pag kwestiyon ng ilang mambabatas kaugnay sa naging hakbang para i-modify ang 2025 General Appropriations Act (GAA), partikular ang realignment sa budget ng PNP.
” President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s directive to various National Government Agencies (NGAs) is to review, rationalize, and identify which programs, activities, and projects are within their priorities and ready for implementation, and those otherwise, should be revisited and identified as possible savings so that they can be reprogrammed or reprioritized,” pahayag ng DBM
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman isa ang PNP sa mga ahensiya ng pamahalaan na kanilang hahanapan ng paraan hinggil sa kanilang funding deficiencies para sa fiscal year 2025 sa pamamagitan ng paggamit sa savings para punan ang deficient items o gamitin ang Contingent Fund o Unprogrammed Appropriations.
Siniguro naman ni Pangandaman na magiging mahigpit ang proseso nito partikular sa budgeting, accounting, auditing laws, rules, and regulations.
” Hindi naman po kasi savings nga po so—nasaan ba iyong listahan ko kanina? Mayroon pong specific rules and regulations, may budgeting rules and guidelines po tayong sinusunod. Karamihan po doon ay nakalagay sa General Appropriations Act natin. Hindi ko lang memorize iyong mga sections, baka mayroon kayo diyan. So iyon, we follow that. Hindi po kami puwedeng magbalik, again, hindi po puwedeng magbalik kami ng mga projects and programs na nawala sa GAA; kailangan po nandudoon siya. And may rules po iyong tatlong sinabi kong mechanisms, may general provisions po tayo for the use of savings, augmentation, and the use of unprogrammed appropriations, and the use of contingent fund. I can provide po the details and the specific, general and specific provisions,” paliwanag ni Sec. Pangandaman.