-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Budget and Management na sapat ang pondo ng gobyerno para sa mga susunod pang kalamidad na tatama sa ating bansa.

Ayon kay Budget Secretary Aminah Pangandaman, maraming mapagkukunan ng pondo ang pamahalaan kaya’t walang dapat na ipag-alala ang publiko.

Ginawa ng kalihim ang paglilinaw matapos na sabihin ng mga kritiko ng administrasyon na ubos na ang pondo ng pamahalaan para sa pagtugon sa mga susunod pang kalamidad.

Karamihan kasi sa mga kritiko ay kinokonekta ang sunod-sunod na mga bagyo at EL Niño phenomenon na nanalalasa sa bansa kung kayat naubos na ang pondo ng pamahalaan.

Paliwanag ng kalihim, aabot sa ₱30 billion ang Quick Response Fund ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang DSWD,DPWH,DA,DEPED,DILG,PNP,DOTR,BFP,OCD at DOH.

Nilinaw naman ng opisyal na may natitira pang ₱7 billion na QRF para gamitin ng mga ahensya sa kanilang mga isinasagawang pagtugon sa kalamidad.

Ang naturang halaga ay tira mula sa mga pondo na inilabas sa pagtugon sa bagyong Kristine, Leon, at Marce.

Pwede namang kunin ang ₱7 billion na pondo mula sa a Unprogram Appropriation, Contingent Fund, at Local Government Support Fund.