Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) sa health workers ang pagbibigay ng suporta mula sa gobyeno at paglalabas ng hindi pa nababayarang emergency allowance.
Ito ang tiniyak ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa kaniyang pakikipagkita sa mga miyembro ng Alliance of Health Workers kung saan tinalakay ang mga daing at alalahanin ng healthcare workers kaugnay sa kanilang emergency allowance,
Iniualt din ng DBM sa naturang pulong na nakapaglabas na ito ng P91.283 billion para sa DOH saklaw ang Public Health Emergency benefits and allowances para sa 2021 hanggang 2023.
Kabilang sa naturang halaga ang P73.261 billion para masaklaw ang claims ng mahigit 600,000 kwalipikadong public at private healthcare at non-healthcare workers para sa kanilang health emergency allowance o One Covid-19 allowance mula July 1, 2021 hanggang July 20, 2023.
Sinabi din ng DBM na naglaan ng P2.351 billion para sa health emergency allowance sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations.